Nung isang araw, natext mo kung pano mo ibinigay kay God yung mga iniiyakan mo gabi-gabi. Natanong mo ako kung ganundin ba ako. Alam mo, ironically, hindi. Madalas, pagkwestyon ang ginagawa ko pa. Bakit nangyayari ang lahat ng ito.
Sabi nga dun sa isang kanta sa pelikulang Joseph the Dreamer, “if this is a test, I don’t see the reason.”
Iniisip ko kung bat kinakailangang ang mga nagmamahalan talaga yung dapat na magkahiwalay. Malayo sa isa’t isa. Bat tayo yung nagtitiis.
Not until, yun nga, yung New Years message ni Pastor. Tas yung kantang, Better Than I.
Angganda ng phrase na,
“let go the need to know why,
For you know better than I”
For sure, mahirap araw arawin ang ganitong pag-iisip. For sure, makaka-encounter ulit ng mga trials, tests etc. For sure, magtatanong ulit kung bakit.
Sana lagi Niyang ipaalala.
I know He will.