Minsan, madalas, naniniwala talaga ako na mahirap ako mahalin. Una na sa lahat, hindi pang matinee idol ang dating ko. Wala din akong passport at tin number. At maliban sa birth certificate, expired na nbi at resibo ng sss wala na akong iba pang ID. Madami akong mga papel, gamit sa bahay at mga basurang hindi maitapon. Nakakaantok at di maintindihan yung mga DVD na binibili ko kaya nakakatulog ka na bago mangalahati. Suplado ako at matampuhin. Mainisin ako lalo pag may hinahanap akong di ko makita. Mahilig ako maglakad at hindi nagtatanong ng direksyon kahit naliligaw na tayo. Maarte ako sa pagkain.
Ganupaman, pitong taon ang nakakaraan pinangahasan mo akong mahalin. Mahal din kita kahit apat na oras at 1/4 ng mundo ang pagitan natin.
Salamat sa pitong taon. Apir.