Isinalansan sa: Personal
Naalala mo ba dati, nung alukin mo ako ng kinakain mong cheesy carbonara tas tumanggi ako at ang sabi ko busog ako at kakameryenda ko lang? Di naman talaga ako busog nun, ang totoo nun namamatay na ako ako sa gutom at gusto kong agawain ang tinidor na hawak mo at titirahin ko ang kinakain mo.
Di po ako nagugutom sa carbonara ngayun, naisip ko lang ang Fudge Cafe. Kung paano niya tayo kinupkop nuon pag wala tayung matambayan. yung kahet di naman tayu kumakain. Namimiss ko yung couch nila. Yung kulay orange na pader. Yung hagdan na ang kewl ng hawakan.
Minsan bat kailangang magtaas ng presyo ng mga bagay bagay.
Siguro kung bukas pa ang Fudge andun tayu ngayun. Umiinom ng Iced tea, kumakain ng carbonara.
Nagkwekwentuhan kung anu ang nangyari sa isa’t isa sa buong maghapon at magpapalitan ng opinyon sa suot ni Merriam Santiago sa SONA kahapon.
Di na tayu magko-comment sa mga sinabi ni GMA, pakshet lang naman yun di ba? Mas maganda pang pag-usapan ang paglipat ni Angel Locsin sa Dos mula sa Syete.
At ang pagkakatanggal daw ni Joyce Jimenez sa Nuts.
Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
baket ba natanggal si joyce sa nuts entertainment? nakakgutom naman itong post na to, hehehe!
Comment ni bonniefazzyoo Hulyo 25, 2007 @ 1:08 umagabulol daw kase si private joyce.
Comment ni otom Hulyo 25, 2007 @ 11:24 umagaah ganun ba…tsaka parang hindi sya magaling sa comedy e…
Comment ni khonz Setyembre 6, 2007 @ 12:33 umaga